Barko sa Bohol sumadsad sa hagupit ng bagyo

Barko sa Bohol sumadsad sa hagupit ng bagyo

October 30, 2022 @ 12:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sumadsad ang isang barko sa baybayin ng Jagna Port sa Jagna, Bohol dahil sa bagyong Paeng.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), lumabas sa imbestigasyon na ang MV Lite Ferry 1 ay sumadsad habang minamaniobra para mag-angkla.

“Investigation revealed the vessel run aground while maneuvering to anchor due to heavy weather caused by Severe Tropical Storm #PaengPH,” ayon sa PCG.

Nakikipag-ugnayan naman ang PCG Station Eastern Bohol sa kapitan ng barko sa Captain Felix Diola, upang ma-monitor ang status ng barko at mga crew.

Aniya, 23 tripulante ang nasa mabuti namang kalagayan at ligtas ang barko sa anumang pinsala.

Ayon pa sa PCG, hihintayin na lamang na tumaas ang tubig upang maalis ang barko.

Wala namang nakitang oil spill sa bahagi ng baybayin kung saan sumadsad ang barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden