Barko sumadsad, 18 crew ligtas

Barko sumadsad, 18 crew ligtas

June 22, 2022 @ 7:28 PM 6 days ago


DUMAGUETE CITY – Sumadsad ang isang barko matapos tangayin ng malakas na hangin at malalaking alon ngayong hapon ng Hunyo 22 sa baybayin ng Pantawan, Rizal Boulevard.

Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Dumaguete sa MV Fast Cat M6 na nasira ang kanang bahagi ng barko.

Nakipag-ugnayan na ang PCG Station Dumaguete at Marine Environmental Protection Unit (MEPU)-Negros Oriental sa MTug Ankiesha para sa towing operations.

Kinumpirma rin ng PCG team na ang 18 crew ng barko ay ligtas at nasa maayos na kondisyon matapos na matagumpay na mahila ang barko sa Dumaguete port.

Ayon sa PCG, walang pasahero ang barko nang mangyari ang insidente.

Sa inisyal na pagtatasa ng MEPU-Negros Oriental, walang nakitang oil spill sa katubigan.Magsasagawa naman ng underwater inspection upang masuri ang buong kondisyon ng barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden