Barko sumadsad sa Batangas sa bagyong Paeng

Barko sumadsad sa Batangas sa bagyong Paeng

October 30, 2022 @ 1:42 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isa pang barko ang sumadsad sa baybayin ng Batangas City dahil sa bagyong Paeng, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa ulat ng PCG, lima ang sakay na tripulante ng MV Ecuador na kapwa na maayos na kondisyon.

Wala namang kargang kargamento ang barko nang sumadsad.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PCG Station Batangas sa may-ari ng barko upang mamonitor ang status ng barko at mga crew.

Nagsagawa rin ng oil spill assessment ang PCG at negatibo naman ang resulta.

Kahapon ay sumadsad ang MV Lite Ferry 1 sa Jagna Port sa Jagna, Bohol habang nagmamaniobra. Jocelyn Tabangcura-Domenden