Barko sumadsad sa Zambales, 24 crew nasagip

Barko sumadsad sa Zambales, 24 crew nasagip

July 4, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nirespondehan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang barko na sumadsad sa katubigan ng Barangay Bani, Masinloc, Zambales.

Sinabi ng PCG, ang barkong LCT Aviva 80 ay may sakay na 24 crew nang makasalubong ang malakas na hangin at malalaking alon dahilan para tangayin ang barko at sumadsad.

Nagsagawa ng joint search and rescue (SAR) ang PCG at Philippine National Police (PNP) gamit ang lubid na nakakonekta sa life left upang masagip ang mga crew sakay ng barko.

Dinala sa Rural Health Unit sa Masinloc ang 22 crew at idineklarang lahat sila ay nasa maayos na kondisyon  habang nagpaiwan ang kapitan na si Alan Boyboy at Chiefmate Felix Gepillano Jr.

Kalauna’y kinuha ng Masinloc Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga crew para sa karagdagang tulong.

Samantala, ininspeksyon ng PCG’s Marine Environmental Protection Group sa Zambales ang bahagi ng katubigan kung saan sumadsad ang barko pero walang bakas ng oil spill na nakita sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden