Barkong may 300 pasahero nasunog sa Sweden

Barkong may 300 pasahero nasunog sa Sweden

August 30, 2022 @ 11:57 AM 4 weeks ago


SWEDEN – Inilunsad ang isang malaking rescue operation sa Sweden coast noong Lunes sa nasunog na car ferry na may sakay na 300 katao, sinabi ng Swedish maritime authority.

Kinumpirma ito mismo ni Swedish Maritime Administration Jonas Franzen kung saan tatlong helicopter at pitong sasakyang pandagat ang ipinadala sa pinangyarihan na sunog para tumulong sa paglikas ng mga pasahero.

Walang pa namang ulat ukol sa posibleng mga sugatan at hindi pa alam ang sanhi ng sunog sa barkong Stena Scandica.

Under control na ang sunog. RNT