Barkong may dalang buhangin, bato lumubog sa Ormoc dahil kay Dante

Barkong may dalang buhangin, bato lumubog sa Ormoc dahil kay Dante

June 3, 2021 @ 1:11 PM 2 years ago


ORMOC CITY — Lumubog habang nakatambay sa Ormoc port ang isang barkong may dala ng buhangin at bato dahil sa lakas ng hampas ng alon dal ani bagyong Dante.

Ayon kay Coast Guard Ormoc Station Commander Christopher Michael Angelo Dulnuan, lahat ng 18 crew members ng Jacqueline Star, ay ligtas naman.

Dagdag pa ni Dulnuan ligtas na nakadaong ang barko pero hinampas ng malalaking alon.

Maghahatid sana ng bato at buhangi ang bargo sa Higatangan Island sa Naval, Biliran. RNT