Barkong may lulan na 300 dayuhang turista, dumaong sa Maynila

Barkong may lulan na 300 dayuhang turista, dumaong sa Maynila

February 15, 2023 @ 6:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dumaong sa Panatalan ng Eva Macapagal Super Terminal sa Manila South Harbour ang cruise ship na may sakay na 300 dayuhang pasahero at 400 Filipino crew.

Ito ay ang Silver Spirit Cruise Ship na kauna-unahang cruise ship na dumaong sa Pilipinas makalipas ang ilang taon ng pandemya.

Sinalubong ng Department of Tourism ang barko sakay ang mga dayuhang turista mula sa mga bansang Singapore, Thailand, Vietnam at Philippines na iikot sa Ilocos, Romblon, at Coron, Palawan bago tumungo sa Hong Kong sa Pebrero 26. RNT