Barkong pampasahero lumiyab sa Greece; Higit 200 sakay nareskyu

Barkong pampasahero lumiyab sa Greece; Higit 200 sakay nareskyu

February 19, 2022 @ 4:54 PM 4 months ago


GREECE – Lumiliyab sa mga oras na ito ang isang pampasaherong barko na may lamang nasa 300 katao, kasama ang mga crew, at daan-daang sasakyan sa Ionian Sea na sakop ng bansang ito.

Ayon sa Greece Coast Guard, kasama ang Albania Coast Guard, Italy inspection boat at iba pang mga barko, ang nagtutulong-tulong upang isalba ang 239 pasahero at 51 crew ngunit wala pa ni isa 153 truck at 32 kotse ang nailalabas.

Mayroon pa umanong 11 natitirang ilang pasahero o crew mula sa ferry ship na Euroferry Olympia na patungong Italia nang masunog ito.

Wala pang nakatitiyak kung ano ang pinagmulan ng sunog at higit na abala pa ang mga awtoridad sa paghahanap ng nawawala pang 11 katao habang sinusubukang apulahin ang apoy ng mga bumbero.

Hindi rin malinaw kung may mga Pilipino na pasahero o crew ng nasabing barko ngunit karaniwang laging may Pilipino na seaman sa ganitong uri ng mga barko.

Matatandaang isa ring malaking barko na naglalaman ng 4,000 mamamahaling sasakyan ang nagliyab sa Atlantic Ocean habang naglalayag ito mula Germany patungo sa United States ngunit sinasabing nasagip ang 22 crew nito kamakailan.

Wala ring nakaaalam kung paano nagsimula ang sunog sa nasabing barkong  Felicity Ace na may kargang 1,100 Porsche, 189 Bently at libo-libo pang Volkswagen. Fred Cabalbag