Barkong puno ng Porsche, Volkswagen nasunog sa dagat

Barkong puno ng Porsche, Volkswagen nasunog sa dagat

February 19, 2022 @ 9:37 AM 4 months ago


PORTUGAL – Lumiliyab ngayon ang isang malaking barko na may kargang mga luxury vehicle sa Atlantic Ocean, ayon sa Portugal Navy.

Kabilang umano sa mga karga ng barkong Felicity Ace ang mga mamahaling sports car gaya ng Porsche at Volkswagon.

Galing umano ang barko na nakarehistro sa Panama ngunit inoopereyt ng kompanyang Japan na Mitsui O.S.K. Lines sa Germany at patungo ito sa United States nang maganap ang sunog.

Inabandona na ng 22 na crew ang barko makaraang hindi nila makontrol at matiyak kung saan at paano nagsimula ang sunog.

Sinagip lahat ang mga crew ng Portuguese Navy at sinasabing nasa maayos na kalusugan ang mga ito. Fred Cabalbag