BARMM exec: Pagkumpleto sa Marawi rehab, paspasan na

BARMM exec: Pagkumpleto sa Marawi rehab, paspasan na

January 26, 2023 @ 4:20 PM 2 months ago


MARAWI CITY – Nanawagan ang opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa pagkumpleto sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Sinabi ni BARMM Deputy Chief Minister Aleem Ali Solaiman, chairperson ng Special Committee on Marawi, na kabilang sa prayoridad ng provincial government ang pagpapabilis ng rehabilitasyon ng mga tahanan ng internally displaced persons (IDPs).

“Sa Lanao del Sur, ang pinakamahalagang concern ay ang IDPs sa Marawi rehabilitation program,” sabi ni Solaiman.

“Isa rin sa priority ng Lanao del Sur ay matapos ang rehabilitation program at wala ng problema sa loob ng Ground Zero at matirahan na ang mga kabahayan sa Lanao del Sur,” dagdag niya.

Nagsimula ang rehabilitasyon ng Marawi kasunof ng limang buwang sagupaan sa pagitan ng militar at ng ISIS-inspired Maute group na nagwasak sa Mindanaoan city noong 2017.

Noong June 2022, sinabi ni dating Task Force Bangon Marawi (TFBM) chairperson Eduardo del Rosario na 72% kumpleto na ang infrastructure rehabilitation projects sa Marawi.

Sinabi rin ni Del Rosario na hindi naabot ang completion target ng TFBM, na itinakda bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte noong June 30, 2022. RNT/SA