BARMM nasa state of calamity sa hagupit ni Florita

BARMM nasa state of calamity sa hagupit ni Florita

August 26, 2022 @ 8:31 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinailalim ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa  state of calamity matapos na matinding naapektuhan ng baha bunsod ng bagyong Florita.

Inaprubahan mismo ni Chief Minister Ahod Ebrahim ang state of calamity para mapagana nito ang disaster fund at makatulong sa ginagawang response operations matapos lumubog ng baha ang karamihan sa bahagi ng Maguindanao, Special Geographic Area ng rehiyon sa North Cotabato at Cotobato City.

Noong pang Agosto 18 nilagdaan ang nasabing proklamasyon ni Ebrahim, ngunit ginawa lamang sa publiko noong Huwebes.

Sa Cotobato pa lang ay humigit-kumulang 20 sa 37 barangay ang binaha, na nakaapekto sa libu-libong residente sa mababang baryo.

Sa SGA, hindi bababa sa 80 porsiyento ng 63 BARMM villages sa North Cotabato ang nasa ilalim ng tubig sa nakalipas na 30 araw.

Hindi pa naman inilalabas ng BARMM ang kabuuang bilang ng mga barangay at residenteng apektado sa rehiyon dahil ang mga ito ay bini-validate at kino-counter-check. RNT