BARMM, papasa sa Constitutionality Test- Rep Fariñas

BARMM, papasa sa Constitutionality Test- Rep Fariñas

July 19, 2018 @ 11:23 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Tiwala si House Majority Leader Rodolfo Fariñas na papasa sa constitutionality test sa Korte Suprema ang kanilang  ipinasang Bangsamoro Organic Law ng Bicameral Conference Committee.

Ayon kay Fariñas natuto na sila sa naunang BBL na hindi nakapasa sa SC at ideneklarang unconstitutional kaya naman ngayong ikalawang BBL ay mas naging maingat sila sa mga ilalagay na probisyon at sinigurong naaayon ito sa1987 Constitution.

“We were very careful. Precisely, we had several problems along the way because we could not grant everything they (Bangsamoro Transition Commission) want. In fairness to them, they accepted everything,” pahayag ni Fariñas.

Una nang sinabi ni Lanao del Norte 1st District Representative Khalid Dimaporo na kukuwestiyunin nya sa SC ang BBL kung saan isa sa kanyang tinututulan ay ang  pagpapabilang ng 6 na bayan sa kanyang barangay at 39 pang barangay sa North Cotabato sa Bangsamoro Autonomous Region.

Sinabi ni Fariñas na handa nilang depensahan sa SC ang BBL at kumpiyansa silang hindi ito ibabasura ng kataas taasang hukuman.

“Definitely, there will be opposition to it,they have the right, and we want them to bring it before the SC so it would pass the test of constitutionality. Mas maganda yun,” pahayag ni Farinas. Gail Mendoza