BARMM pinatututukan sa DepEd sa mababang enrollment

BARMM pinatututukan sa DepEd sa mababang enrollment

August 20, 2022 @ 3:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hiniling ni Senador Win Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na tutukan ang Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) matapos patuloy ang pagbagsak ng bilang ng nag-aaral sa rehiyon sa basic education mula 2012-2013 at 2020-2021.

Sa ginanap na briefing ng Senate committee on basic education, sinabi ni Gatchalian na patuloy ang pagbagsak ngnag-aaral sa naturang lugar base sa isinumite ng ahensiya na umabot lamang sa 791, 519 ang nag-aral simula noong 2011 hanggang 2012 at nagkaroon ng mga sumusunod na pagbagsak:

  • 2012 to 2013 – 744,872

  • 2013 to 2014 – 723,043

  • 2014 to 2015 – 660,725

  • 2015 to 2016 – 611,929

  • 2016 to 2017 – 628,725

  • 2017 to 2018 – 605,195

  • 2018 to 2019 – 619,768

  • 2019 to 2020 – 622,077

  • 2020 to 2021 – 596,060

Sinabi ni Gatchalian na mahalagang matutukan ang edukasyon upang makamit ng lugar ng kapayapaan.

“The trend for elementary, for junior high school is going down. I know there’s a working relationship between DepEd and BARMM under the BARMM Law. However, we need to put special emphasis to BARMM. Because a way to achieve peace in the region is to educate our children… It’s a way for them also to gain meaningful jobs. But if the enrollment is going down… then we’re not fulfilling that mandate to educate them and deliver peace in that area,” ayon kay Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na masyadong mababa ang enrolment sa BARMM kumpara sa narehistro sa ibang rehiyon.

“On a system wide it’s quite encouraging, it’s about 99 percent nationwide. But BARMM is an outlier. BARMM is below 89 percent in terms of enrollment,” giit ni Gatchalian.

Inihayag naman ni Education Undersecretary Epimaco Densing na ginagawa ng ahensiya ang lahat ng magagawa nito upang patuloy na mahimok ang mga magulang sa BARMM na pag-aralin ang kanilang anak.

Ayon kay Densing na humingi na ng tulong si Bangsamoro Minister of Basic, Higher and Technical Education Mohagher Iqbal sa pambansang pamahalaan hinggil dito sa ginanap na diyalogo kamakailan.

Pinaka-agarang kailangan ng lugar ang pagtatayo ng school building at tulungan ang rehiyon na masakop ng GASTPE (Government Assistance to Students and Teachers in Private Education).

“Sa aming pananaw yung kanilang P75 billion a year is not enough to fund their school buildings,” ayon kay Densing.

Tinutukoy ni Densing ang taunang “block grant” na ibinibigay ng national government sa BARMM. Ernie Reyes