Baron, balak kumpitensyahin si Quiboloy!

Baron, balak kumpitensyahin si Quiboloy!

April 28, 2022 @ 6:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang pagsidlan ang tuwa ni Baron Geisler nang sa wakas ay natupad na niya ang kanyang pangarap: ang makapagtapos ng college.

Nitong April 26 gumradweyt ang 40 anyos na aktor ng Bachelor’s degree in theology sa All Nations College sa Antipolo, Rizal.

Taong 2019 pa raw niya sinimulang kumuha ng nasabing kurso.

Batid ni Baron na pangarap ng bawat artista na ipagpatuloy ang kanilang pag- aaral, dangan na lang ay abala sila sa showbiz work.

Naitanong sa aktor kung anong posibleng trababo ang naghihintay sa isang theology graduate.

Pabirong sagot niya, “Puwede akong maging pastor. Puwede akong magtayo ng sarili kong simbahan. Puwede kong kumpitensiyahin si Pastor Quiboloy!”

Ang tinutukoy ni Baron ay si Pastor Apollo Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ.

Pero seriously, it’s never too late daw kung gugustuhin ninuman na ipagpatuloy ang kanyang studies no matter kung ano ang kanyang edad.

Samantala, nabalita kamakailan na bumalik ang aktor sa kanyang alcohol problem.

Dahil dito, nagdesisyon muna sila ng partner niyang si Jamie Evangelista to take a break.

Nasa isang rehab facility sa Bulacan si Baron through a sponsor.

Once daw na maging maayos ang lahat ay saka raw silang magsasamang muli ni Jamie with their daughter Tali. Ronnie Carrasco III