Baron, oks sa mandatory drug test sa artista

Baron, oks sa mandatory drug test sa artista

October 7, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Hindi na sana nabuhay muli ang isinusulong na mandatory drug testing sa mga artista kung hindi natiklo kamakailan si Dominic Roco at mga kasamahan nito.

Timbog ang aktor sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya.

Si Dominic ay anak ng veteran actor na si Bembol Roco.

Dahil sa pagkakahuli kay Dominic ay kailangan daw ipatupad ang mandatory drug testing sa mga artista bago sumabak sa trabaho.

Sa kabila ng kanyang mariing pagtutol, pinangunahan kamakailan ni Senator Robin Padilla ang pagpapasuri.

Ayon naman kay Ormoc Representative Richard Gomez, isama na rin ang ibang sektor ng lipunan.

Tutol din si FDCP Chair Tirso Cruz III.

Pero kung may ‘di sang-ayon sa panukala ay suportado naman ito ni Baron Geisler.

Himself a self-confessed drug dependent noon, abala ang aktor at ang kanyang maybahay na si Jamie sa anti-drug campaign.

Sinimulan daw nila ito sa Cebu at ngayon ay umiikot sa Mindanao.

Ito’y sa pakikipagtulungan sa PNP, PDEA at LGU.

Ang nakakatuwa sa husband and wife tandem, si Jamie ang nagbabahagi ng teorya.

Kay Baron naman ang paglalahad ng kanyang mga tunay na karanasan, pagkalulong hanggang ma-rehab.

Hindi kaya maglikha ng iringan ang magkakaiba nilang pananaw ukol sa mandatory drug testing sa kanilang hanay nismo?

Abangan ang walang katapusang debate tungkol sa usaping ito! Ronnie Carrasco III