Barrier sinalpok ng senglot na drayber; kinasuhan!

Barrier sinalpok ng senglot na drayber; kinasuhan!

September 2, 2022 @ 3:42 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kinasuhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lasing na driver na binangga ang mga concrete barrier habang minamaneho ang van kahapon sa nasabing lungsod.

Ito ang siyang inihayag ni QCPD Director PBGEN Nicolas D Torre III na kanilang sinampahan ng kaso si Jesson Siangcua , 39-anyos, residente ng Sto. Cristo, Bago Bantay, Q.C.

Ayon kay District Traffic Enforcement Unit (DTEU) chief PLt. Col Richard E Mepania, mabilis na binabaybay ng suspek ang kahabaan ng Southbound lane ng Commonwealth Ave., nang mawalan ng kontrol ang minamanehong van at sumalpok sa concrete barriers dahilan nang pagkakasugat ng tatlong sakay nito.

Bukod sa kinalaharap na kasong paglabag sa Section 5 of RA 10586 o Act Penalizing Persons Driving under the Influence of Alcohol, Dangerous Drugs and Similar Substances nakipag-coordinate na rin ang QCPD sa LTO para sa posibleng pagbawi sa driver’s license ng nasabing suspek.

“This should be a reminder to the public that once you are drunk, you must not drive to avoid accident. “Speed Thrills, but Kills! Thus, always keep calm and drive safely,” pahayag ng QCPD chief.

“Iisa lamang ang buhay na mayroon tayo. Kung kaya’t pangalagaan natin ito. May mga pamilya, asawa at anak tayong naghihintay sa ating pag-uwi. Paalala na rin ito sa publiko na mahigpit na paiiralin ng pulisya ang mga batas trapiko upang makaiwas sa anumang disgrasya para sa seguridad ng mga pasahero at motorista,” dagdag ni Acting Regional Director, PBGen. Jonnel C Estomo. Jna Sinocruz