Barter trade, isang ‘valid form of sale’ – Salceda

Barter trade, isang ‘valid form of sale’ – Salceda

July 15, 2020 @ 6:19 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kinikilala bilang “valid form of sale” ang barter trade sa ilalim ng umiiral na batas, ayon kay Albay Rep. Joey Salceda.

Ito ang ipinahayag ni Salceda makaraang sabihin ng Department of Trade and Industry (DTI) na magpapatupad ito ng crackdown sa online barter trading.

“Barter trade is recognized as a valid form of sale. The Civil Code explicitly recognizes barter as falling within it’s purview and governed by provisions on sales. The Code even sets the obligations of parties in a barter trade, as well as their rights. For all intents and purposes, barter is a legitimate form of trade,” ayon kay Salceda.

Aniya, pinapayagan ng barter system ang palitan ng mga produkto kahit walang cash ang mga partido.

Ilan sa mga produkto ang nawala na ng cash value ngunit maaari pa ring maipalit sa produktong may kaparehas na cash value.

Binigyang diin nito na magiging mahabang proseso ang pagpapatupad ng buwis mula sa barter trade sa gitna ng coronavirus pandemic.

Argumento ni Salceda, hindi rin accurate na ipinagbabawal ng Executive Order 64 noong 2018 ang barter trade sa ilang lugar.

Nilinaw ni DTI Secretary Ramon Lopez sa kanyang huling pahayag na iligal ang ‘online barter’ at sinabing pinapayagan ang palitan ng mga produkto para sa personal na transaksyon.

Binanggit ni Lopez ang EO at sinabing pinapayagan lamang ang barter trade sa tatlong lugar sa bansa, Siasi, Jolo; Sulu at Bonggao, Tawi-Tawi. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...