Barter trading papayagan kung personal na transaksyon

Barter trading papayagan kung personal na transaksyon

July 15, 2020 @ 11:53 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilinaw ni Trade Secretary Ramon Lopez nitong Miyerkoles na bagamat iligal ang online barter-trading, maaari pa rin itong gawin basta’t hindi ito konektado sa anumang negosyo.

Ito ay matapos sabihin ni Lopez na iligal ang barter-trading online at nilalabag nito ang tax laws.

READ: Online-barter iligal – DTI

Sa isang text message, iginiit ni Lopez na pinapayagan lamang sa tatlong ang barter-trading Siasi at Jolo, Sulu at Bonggao, Tawi-Tawi, alinsunod sa Executive Order No. 64 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018.

Inilunsad ng Mindanao Barter Council ang alintuntunin, na naatasang pangasiwaan at makipag-ugnayan sa aktibidad ng barter sa Pilipinas.

Subalit nilinaw ng DTI chief na bagamat walang malinaw na pagbabawal sa local barter, kailangan pa ring bantayan ito at kailangang iparehistro at buwisan “if again being done in the course of trade or business as a regular business.”

Muli ring iginiit ng Trade chief na pinapayagan ang mga personal na transaksyon, kagaya ng barter-trading, basta’t hindi ito sakop ng regular na negosyo at hindi rin sakop ng registration requirements. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...