Barya-baryang rollback, ipatutupad bukas

Barya-baryang rollback, ipatutupad bukas

October 3, 2022 @ 11:24 AM 2 months ago


 MANILA, Philippines- Magpapatupad ng barya-baryang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa inilabas na abiso ng mga kompanya ng langis na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng oil price rollback na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P0.45 sa kada litro ng diesel, at P0.85 sa kada litro naman ng kerosene epektibo alas-6 ng umaga.

May bawas presyo din sa kahalintulad na halaga ng diesel at kerosene ang kompanyang Caltex (CPI) at Cleanfuel epektibo alas-12:01 ng madaling araw.

Ang ipatutupad na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P1.65 sa kada litro ng gasolina, P1.35 sa kada litro ng diesel, at P1.35 sa kada litro naman ng kerosene. JAY Reyes