BASAHIN: Listahan ng sakayan, babaan sa apektadong biyahe sa sunog sa Cubao

BASAHIN: Listahan ng sakayan, babaan sa apektadong biyahe sa sunog sa Cubao

February 10, 2023 @ 10:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naglabas ng listahan ang Land Transportation Office (LTO) Huwebes ng gabi, Pebrero 9 ng mga alternatibong sakayan at babaan sa mga mananakay ng mga apektadong ruta dahil sa nasunog na terminal ng bus sa Araneta-Cubao, Quezon City.

“Dahil sa nagaganap na sunog ngayon sa Araneta Terminal sa Cubao, Quezon City, ang mga apektadong pasahero ay inaabisuhang magpunta sa mga sumusunod na lugar kung saan sila maaaring sumakay pansamantala,” saad sa abiso ng LTO.

Ang mga apektadong mananakay ng mga sumusunod na biyahe ay maaaring sumakay at bumaba sa mga itinalagang pick-up at drop-off points:

  • Cubao to A. Roces – Annapolis cor. Aurora Blvd.

  • Cubao to Doña Carmen – 15th Avenue cor. P. Tuazon

  • Cubao to Marikina – 15th Avenue cor. P. Tuazon / Aurora Gateway

  • Cubao to Pasig – 13th Avenue cor. P. Tuazon

  • Cubao to Novaliches – Gateway, Aurora Blvd entrance

Matatandaan na kahapon ay tinupok ng malaking sunog ang lumang Araneta bus terminal kung saan umabot pa ito sa ikaapat na alarma. RNT/JGC