BASAHIN: Mensahe ng SC ngayong Pasko

BASAHIN: Mensahe ng SC ngayong Pasko

December 24, 2022 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – “Gawin ang lahat ng makakaya upang maisabuhay ang tunay na halaga ng Pasko.”

Ito ang mensahe ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa pagdiriwang ng bansa ng Kapaskuhan.

Sinabi ng Punong Mahistrado na bukod sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus, ang Pasko ay isang paalala sa hudikatura na patuloy na maging tagapangalaga ng karapatan ng mamamayan.

” For us in the judiciary, such work means pursuing justice enlightened by the vision of love, charity, kindness and peace. Thus, for us, Christmas serves not only a celebration of the birth of Christ, but a reminder of our roles as guardians of the people’s rights,” ani Gesmundo.

Nararapat aniya isentro ng lahat ang tunay na kahulugan ng Pasko at ang mga dapat gawin upang masiguro na maisasabuhay ang tunay na diwa ng pagdating ni Hesus. Teresa Tavares