Basbas ng ERC na dagdag-singil ng Meralco, pinagtibay ng SC

Basbas ng ERC na dagdag-singil ng Meralco, pinagtibay ng SC

July 5, 2022 @ 6:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court ang naging kautusan ng Energy Regulation Commission (ERC) noong 2013 na ngapapahintulot sa Manila Electric Company na magpataw ng dagdag-singil sa mga konsyumer nito na aabot sa 22 bilyong piso.

Sa botong 6-5, ibinasura ng SC ang mga petisyong inihain ng Bayan Muna at ng National Association of Electricity Consumers for Reforms kontra sa naturang utos ng ERC.

Ayon sa Korte Suprema, hindi nito nakitaan ng grave abuse of discretion ang ERC nang payagan nito ang Meralco na magpatupad ng staggered power rate increase na P22.54 billion pesos na generation o recovery cost.

Nag-ugat ito sa pagsasara ng Shell Philippines Exploration ng Malampaya at maintenance ng iba pang power generation plants.

Ipinunto pa ng Korte Suprema na ang pag-apruba ay alinsunod sa guidelines para sa automatic adjustment of generation rates and systems loss rates, at ang ERC ay kumilos lamang alinsunod sa kapangyarihan nito.

Matatandaang hindi nakapagpatupad ng rate hike ang Meralco noong mga nakalipas na taon dahil sa ipinalabas na Temporary Restraining Order ng SC. RNT/ JCM