‘Baseless info’ sa COVID jabs labanan; pagbabakuna palakasin – Pope

‘Baseless info’ sa COVID jabs labanan; pagbabakuna palakasin – Pope

January 11, 2022 @ 9:15 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Pope Francis nitong Lunes ang buong mundo na pag-ibayuhin ang pagbabakuna sa COVID-19 at sinabing kailangan ng “reality therapy” upang labanan ang “walang basehang impormasyon” na humahadlang sa mga tao na mabakunahan.

Hinimok nito ang mga gobyerno sa buong mundo na tiyakin na ang lahat sa buong mundo ay may access sa bakuna.

“Frequently people let themselves be influenced by the ideology of the moment, often bolstered by baseless information or poorly documented facts,” sinabi niya sa mga miyembro ng diplomatic corps ng Vatican.

“The pandemic, on the other hand, urges us to adopt a sort of ‘reality therapy’ that makes us confront the problem head on and adopt suitable remedies to resolve it,” ayon pa sa Santo Papa.

Sinabi ng Papa na bagamat hindi ito ang lunas o mahiwagang paraan ng pagpapagaling pero tiyak na ito ang pinakamakatwirang solusyon para sa pag-iwas sa sakit.

Pero punto nito ang plano para sa lahat sa mundo na magkaroon ng pantay na access sa mga bakuna na kasalukuyang nanatiling “isang ilusyon’. Jocelyn Tabangcura-Domenden