Basher na tatakbong nakahubad, supalpal kay Heart!

Basher na tatakbong nakahubad, supalpal kay Heart!

January 15, 2022 @ 9:03 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Tikom bibig no more na talaga ata ang mga celebrities!

Supalpal na naman kasi ang isang basher kay Heart Evangelista.

Sa latest Instagram post ng aktres, makikita ang pictures niya with her husband sa isang collage. They’re both laughing sa snaps na kinapsyonan ni Heart ng “Live, laugh, love!”

Libo libo ang natuwa at kinilig sa post na ito pero hindi talaga mawawala ang bitterness at Marites.

Inakusahan kasi ng isang netizen na scripted ang posts ni Evangelista in a comment saying, “Kung may makita akong picture ni Heart na hindi scripted, tatakbo ako ng hubad sa buong barangay.”

Iba rin naman ang hamon ng netizen with IG handle na @epsixtwelve pero hindi ito pinalampas ni Heart and replied, “Run and never come back, darling. Life is good plus the coffee I’m drinking is awesome. Sorry you can’t accept that I have a happy life but then again not my problem.”

Currently, hundreds of netizens ang nag-like at mukhang sumang-ayon sa pambabara ni Heart.

Guys, naku it’s 2022. Hindi na talaga uso ‘yung mamba-bash ka ng artista tapos sila, “shut up” lang. Oops! Paula Jonabelle Ignacio