Basher, sinuklian ni Rabiya ng kabaitan!

Basher, sinuklian ni Rabiya ng kabaitan!

January 22, 2022 @ 4:29 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Ini-rub in ng isang netizen ang katotohanang hindi pinalad si Rabiya Mateo noong ni-represent niya ang bansa sa Miss Universe 2020.

Tinawag kasi siyang talunan ng isang netizen na mahihinuhang isang medical technolgist.

‘Di pa nakuntento, tinawag din nitong “ambisyosa” ang Ilongga beauty makaraang i-post niya ang isang picture kuha sa Baguio Country Club.

Tumutulong kasing gumawa ng raising bread si Rabiya.

Her caption reads: “Minsan action star, minsan panadero.”

Alam ng lahat ng isa nang ganap na Kapuso star na si Rabiya after she inked a contract in November last year.

Maituturing na baptism of fire niya sa acting ang papel niya bilang agent sa seryeng Agimat ng Agila.

Bagama’t nilait siya ng basher, Rabiya still had nice words. Aniya, since pagdodoktor eventually ang pangarap nito’y sana magkaroon ito ng katuparan.

Tapos ng medical course si Rabiya. She finished physical therapy in her homeprovince.

Agad namang nakahanap ng maraming kakampi si Rabiya laban sa basher na agad ding binura ang mapanlait na komento. Ronnie Carrasco III