Basic education report ilalatag ng DepEd sa Jan. 30, 2023

Basic education report ilalatag ng DepEd sa Jan. 30, 2023

January 10, 2023 @ 6:50 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipiprisenta ng Department of Education (DepEd) ang Basic Education Report nito sa Enero 30, ayon sa ahensya nitong Martes.

Inihayag ng DepEd na nilalayon ng BER 2023 na ilatag ang kalagayan ng basic education in sa Pilipinas maging mga plano at inisyatiba ng ahensya.

Base sa DepEd, target nito “to provide a broad report about the basic education sector which will include updates on the on-going review of the K to 12 curriculum.”

Layunin din ng BER na maglunsad ng education agenda para sa mga Pilipino.

Samantala, ayon kay Palace press briefer Daphne Paez, inilahad ni Education Secretary Sara Duterte ang mga plano para sa inclusive learning, suporta para sa mga guro, at pagpapabuti ng curriculum sa Cabinet meeting. RNT/SA