Basilan bombing, ‘wag sabayan ng fake news – Malacañang

Basilan bombing, ‘wag sabayan ng fake news – Malacañang

August 3, 2018 @ 4:32 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Nakiusap ang Malakanyang sa publiko na iwasang magpakalat ng mga espekulasyon at fake news kaugnay ng naganap na pagsabog sa Lamitan, Basilan.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, makabubuting hintayin na muna ang resulta ng imbestigasyon ng mga awtoridad.

Aniya, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at hindi nakabubuting nagpapakalat ng mga impormasyong hindi pa naman beripikado.

Sa ngayon ay wala pang konklusyon ang law enforcement agencies sa nangyaring karahasan.

Matatandaang inako ng nagpakilalang ISIS ang nasabing pag-atake bagay na hindi pa kinukumpirma ng PNP at AFP.

Batay sa pinakahuling pahayag mula sa military ay sinabi ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo na wala pa silang nakikitang indikasyon na ISIS ang may gawa sa pagpapasabog o gawa ito ng suicide bomber. (Kris Jose)