Basketball court sa Caloocan, pang-sports na, pang-adik pa

Basketball court sa Caloocan, pang-sports na, pang-adik pa

August 6, 2020 @ 7:35 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isang tulak na paboritong ilako ang kanyang panindang shabu sa basketball court ang dinampot at nakunan ng 26 sachet ng pinaghihinalaang shabu kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang dinakip na si Guerrero Guinto y Orda, 45, may asawa, istambay ng Barangay 13, Zone 1, District 2, Caloocan City.

Dinampot ang suspek dakong alas-10:20 ng gabi sa basketball court sa Julian Felipe St., Barangay 8, Zone 1, District 2, Caloocan City.

Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na ginagawang tarima ng suspek ang nasabing basketball court at mula doon ay nagbebenta umano ng shabu na kumakalat sa nasabing barangay, sa lungsod at maging sa mga karatig-lugar.

Bunsod nito ay ikinasa ang operasyon laban kay Guinto na bukod sa epektos ay nakunan din ng isang cellular phone, isang sling bag, at isang tunay na P1,000 bill na kabungkos ng boodle money.

 Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 18 (pagbebenta) at Section 11 (pag-iingat) ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dinakip. Merly Iral  


  •  
  •  
  •  

Loading...