Basketball stars na sumuong sa politics, may panalo ba?

Basketball stars na sumuong sa politics, may panalo ba?

October 14, 2021 @ 8:07 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – May ilang sikat na basketball players ang tuluyan nang pumalaot sa mundo ng pulitika na ang akala ay parang maglalaro lang sila ng basketball sa maduming mundo ng politics.

Katunayan sa isang lugar ay kumpleto ang position ng isang team, ika nga first five  ang line up ng grupo

Ang ilang netizen ay nagulat pa sa isang sikat na basketbolista dahil ngayon lang nila nalaman na taga-lugar pala nila ito. Madalas lang umano na nakikita nila ang player na naglalaro sa television sa PBA.

Itong isa ay tubong Rizal talaga.

Nagkomento naman ang mga traditional politicians na magiging katunggali ng mga basketbolista. “Matatalino na mga kababayan natin at hindi na ito nadaraan sa kasikatan kaya hindi pwedeng sabihin ng mga sikat ng manlalaro na siguradong mananalo sila sa botohan,” ayon sa mga makakalabang pulitiko.

Tinanong din ng ilang netizens ang mga basketball players na sumabak sa pulitika at sinabihang kung ano naman daw ang gagawin sakaling suwertehin silang magsipanalo sa kani-kalanilang lugar?

Ang ibang players kapag nagtanong ka sa kanila ay ang lalayo ng sagot sa mga tanong, pero hindi naman umano minamaliit ng mga mamamayan ang mga dating basketbolista na nasa bakuran ngayon ng pulitika.

Dasal ng mga fans, makatulong nawa kayo sa inyong mga kababayan na magtitiwala sa inyo. Pero siniguro ng ilang netizens na may ilan sa basketbolista na tumatakbo sa mataas na posisyon ang hindi mananalo.HULA WHOOPS? Dwayne Rituel


  •  
  •  
  •