Basura kapalit ng bigas, sinimulan sa Muntinlupa

Basura kapalit ng bigas, sinimulan sa Muntinlupa

September 23, 2022 @ 7:21 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City ang kanilang programang “Bigas sa Basura” nitong Huwebes, Setyembre 22.

Ang naturang programa ay naglalayong himukin ang mga residente na mag-segregate ng kanilang mga basura at maipagpalit sa bigas.

“Bigas sa Basura aim is to gather household waste. We encourage women and mothers to segregate waste and bring it to ESC (Environmental Sanitation Center) in exchange for rice,” pahayag ng information office ng lungsod.

Sa ilalim ng naturang programa, katumbas ng dalawang kilo ng basura tulad ng plastic bottles, empty wrapper, sachet o packaging ay isang kilo naman ng bigas.

Paalala lamang ng lokal na pamahalaan, linisin at patuyuin muna ang mga basura bago tuluyang dalhin sa Sucat People’s Park na lokasyon kung saan nagaganap ang bigas sa basura program. RNT/JGC