Bata natabunan ng landslide, narekober ng PCG

Bata natabunan ng landslide, narekober ng PCG

January 16, 2023 @ 4:54 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Natagpuan ang katawan ng isang walong taong gulang na batang babae sa Barangay Tinaplan, Sindangan, Zamboanga del Norte, nitong Sabado, Enero 14 matapos ang naitalang landslide sa lugar.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), naganap ang landslide dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ang pagkakadiskubre sa bata ay agad ding ipinagbigay-alam sa kanyang pamilya na umaasang makikita ang katawan ng kanilang anak.

Binubuo ng Coast Guard K9 Team Dipolog, Coast Guard Special Operating Unit Zamboanga Del Norte, Philippine National Police-Sindangan, at Bureau of Fire Protection ang search and retrieval team. Jocelyn Tabangcura-Domenden