BATA PROTEKTAHAN SA KOMPLIKASYON NG TIGDAS SA PAMAMAGITAN NG PAGBABAKUNA

BATA PROTEKTAHAN SA KOMPLIKASYON NG TIGDAS SA PAMAMAGITAN NG PAGBABAKUNA

September 2, 2022 @ 4:06 PM 1 month ago


NANG gumaling sa tigdas ang limang buwang gulang na anak ni Ginang Marissa Santos, naisip niya na iyon na ang huling pagkakataon na haharap ang kanyang anak sa virus na nagdudulot ng tigdas.

Pagkalipas ng anim na taon, nagsimulang magpakita ang anak ni Ginang Santos ng mga sintomas ng isang bihira at malubhang komplikasyon na dulot ng tigdas – ang subacute sclerosing panencepha-litis o SSPE.

Ayon kay Ginang Santos, umaasa siyang dapat na siguraduhin ng mga magulang ang pagbabakuna upang makatulong na maiwasan ang tigdas at SSPE sa kanilang mga anak.

Ang tigdas ay isang malubha at nakakahawang viral respiratory disease.

Kabilang sa mga sintomas ng tigdas ay ang mataas na lagnat, pantal, ubo, conjunctivitis, at coryza.

Ang tigdas ay maaaring magresulta sa malubhang komplikasyon kahit sa mga malulusog na bata.

Ang virus na nagdudulot ng tigdas ay maaaring mag-mutate at magdulot ng nakamamata na komplikasyon.

Noong 2018, ayon sa World Health Organization (WHO), mahigit 140,000 katao – karamihan ay mga batang wala pang limang taong gulang ang namatay sa tigdas. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng ligtas at epektibong bakuna laban sa naturang sakit.

Ayon sa WHO, ang mga pangunahing epidemya ng tigdas ay nangyayari tuwing dalawa hanggang tatlong taon.

Ito ay humantong sa tinatayang 2.6 milyong pagkamatay taon-taon.

Sa Pilipinas, iniulat ng Department of Health (DOH) noong 2020 na humigit-kumulang 2.4 milyong batang wala pang limang taong gulang ang maaaring magkaroon ng tigdas.

Iniulat din ng DOH mula 2008 hanggang 2017, na nagkaroon ng pagbaba mula sa mahigit 80 porsiyento hanggang sa halos 70 porsiyento sa unang dose ng bakuna laban sa tigdas sa Pilipinas. Ang DOH ay nagdeklara ng outbreak sa tigdas noong 2014 at 2019.

Tulad ng mga kaso ng ilang bansa, ang naturang outbreak ay nangyari sa kabila ng maigting na kampanya ng pagbabakuna.

Makikita sa larawan, (Kaliwa-Pakanan) Dr. Anleyn Reyes, Pediatric Infectious Disease Specialist; Dr. Marissa Lukban, Pediatric Neurologist; Ginang Marissa Santos, Ina at SSPE Advocate at si Diane Medina, Celebrity Mom at Host ng “Baby Come Vax: Mga Bakunang Nalaktawan, Panahon nang Balikan” online forum.