Batanes, Babuyan, Cagayan Signal no. 1 kay Obet

Batanes, Babuyan, Cagayan Signal no. 1 kay Obet

October 21, 2022 @ 9:50 AM 1 month ago


MANILA, Philippiens – Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, at hilagang-silangan bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga), ayon sa PAGASA.

Sa 8 a.m. bulletin namataan ng weather bureau ang Tropical Depression Obet patungo sa Luzon Strait.

Sinabi ng PAGASA mula Biyernes hanggang madaling araw ng Sabado, katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay inaasahan ang matinding pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Ilocos Norte, Apayao, at mainland Cagayan.

Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan, samantala, maaaring maranasan sa natitirang bahagi ng Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte.

Huling namataan si Obet sa layong 235 kilometro silangan ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hanging 45 kilometro bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometro bawat oras habang kumikilos pakanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.

Ang tropical depression ay maaaring dumaan o napakalapit sa Batanes-Babuyan Islands area sa pagitan ng Biyernes ng hapon o gabi, sabi ng PAGASA.

Inaasahang lalabas si Obet sa Philippine Area of ​​Responsibility sa Sabado ng umaga. RNT