Batanes isinailalim sa Signal No. 2 sa hagupit ni bagyong Henry

Batanes isinailalim sa Signal No. 2 sa hagupit ni bagyong Henry

September 2, 2022 @ 1:14 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa Batanes island sa paghina ni Typhoon Henry habang unti-unting nagtutungo northwestward sa Philippine Sea, ayon sa PAGASA nitong Biyernes.

Inihayag ng PAGASA na inaasahan ang gale-force winds sa loob ng 24 oras sa Batanes.

Samantala, itinaas naman ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Babuyan Islands

  • northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana)

Pumasok si Henry sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bilang isang super typhoon subalit humina sa typhoon level nitong Biyernes ng umaga.

Base sa PAGASA, inaasahan ang moderate to heavy na ulan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Apayao, at Abra, habang light to moderate na ulan naman sa Cagayan.

Sa kasalukuyan ay nakapag-ulat na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng isang pagkasawi dahil sa bagyo.

Base sa NDRRMC, nasawi ang isang magsasaka sa Mayoyao, Ifugao, sa isang landslide incident nitong Huwebes. RNT/SA