Batanes Signal 2 pa rin; baha, landslide ibinabala ng PAGASA

Batanes Signal 2 pa rin; baha, landslide ibinabala ng PAGASA

September 3, 2022 @ 8:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Posibleng magresulta ang malakas na ulan sa “isolated to scattered” na pagbaha at pagguho ng lupa na maaaring makaapekto sa Batanes at Babuyan Islands sa pagkilos ng bagyong Henry patungong northwards sa dagat sa silangan ng Taiwan.

Sa 5 a.m. severe weather bulletin, sinabi ng state weather bureau PAGASA na nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ang Batanes.

Makararanas sa mga lugar sa ilalim ng tropical wind signals ng “isolated to scattered flooding, floods and rain-induced landslides”.

Umiiral naman ang TCWS No. 1 sa Babuyan Islands at sa hilagang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana).

Sa susunod na 24 oras, magpapaulan din ang Southwest Monsoon na pinalakas ng bagyong Henry ng monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Luzon. RNT/SA