Batang 2 araw nawawala lumutang sa kanal

Batang 2 araw nawawala lumutang sa kanal

November 25, 2022 @ 7:04 PM 5 days ago


Bulacan – Kalunos-lunos ang sinapit ng 6-anyos na batang lalaki na napaulat na dalawang araw nang nawawala matapos lumutang sa irrigation canal sa bayan ng San Miguel.

Sa report ng San Miguel police, nadiskubre ang bangkay bandang 7:50 ng umaga nitong Miyerkules, Nobyembre 23 sa irrigation canal sa Sitio Magmayuga, Brgy. San Juan.

Ayon sa report, nakatanggap sila ng tawag sa isang concerned citizen bandang 8:20 ng umaga ng araw na iyon na may nakitang bangkay ng batang lalaki sa lugar.

Dahil dito, agad tumungo ang mga pulis kasama ang San Miguel Rescue sa lugar para beripikahin ang naturang impormasyon hanggang sa tumambad sa kanila ang bangkay.

Ayon sa kaanak, nawawala ang paslit simula noong Lunes matapos magpaalam sa kanyang ama na maglaro sa labas ng kanilang bahay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang ang bangkay ay napagalamang posibleng sumailalim sa autopsy. Dick Mirasol III