Batang akyat-bahay, 2 beses nalaglag tiklo

Batang akyat-bahay, 2 beses nalaglag tiklo

January 2, 2023 @ 7:43 PM 1 month ago


Bulacan – Laglag sa ikalawang pagkakataon ang dumayong menor-de-edad na lalaki matapos mamasok ng bahay sa bayan ng Guiguinto.

Sa Facebook post ni Christopher Yadao bandang 2:30 ng madaling araw nitong Disyembre 31, pinasok ng bata ang kanilang bahay sa Brgy. Tabang.

Ayon sa post, tinangkang nakawin ng bata ang cellphone at pera ng kuya niya habang natutulog ito.

Naalimpungatan ang kanyang kuya nang makita ang bata sa loob ng bahay na umanoy residente sa bayan ng Balagtas.

Pinag-iingat ni Yadao ang publiko sa muling pag-atake nito na umanoy hindi nakukulong dahil menor-de-edad ito.

Sinasabing, nahuli nitong madaling araw nitong Disyembre 17 ang batang ito nang akyatin at pasukin ang bahay ng Zumba Instructor sa Brgy. Borol. 2nd, Balagtas.

Dinala ang batang 13-anyos lamang umano at nagpakilalang residente naman ng Brgy. Wakas, Bocaue sa kanilang barangay para sa kaukulung aksyon. Dick Mirasol III