Batang babae patay sa balde

Batang babae patay sa balde

October 19, 2022 @ 9:48 AM 2 months ago


SIPALAY CITY – Maagang binawian ng buhay ang 2-anyos na batang babae matapos malunod na balde na puno ng tubig, Martes, Oktubre 19 sa lungsod na ito.

Ayon kay P/Staff Sgt Cyril Bañaco, imbestigador ng Sipalay City Police Station, naganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima sa San Francisco Village, Barangay Nabulao, Sipalay City.

Kwento ng ama ng bata, nagtungo ang kanyang misis sa Sipalay City Proper para magtinda ng prutas habang siya ang nagbabantay ng dalawa nilang anak na ang isa ay dalawang buwan pa lamang.

Habang natutulog ang sanggol nagpasyang lumabas ang mag-ama sa kanilang bahay subalit ilang minute pa lamang ang nakalipas ay narinig na ama ang pag-iyak ng 2-buwan niyang anak.

Dali-dali siyang pumasok ng bahay para bigyan ng gatas ang sanggol at halos natagalan ito saka na lamang niya naalala ang isang pang anak na nasa labas ng bahay.

Agad naman niyang tinungo ang 2-taon anak subalit laking-gulat na lamang niya ng makita itong nakasubsob sa loob ng balde na puno ng tubig.

Humingi naman siya ng tulong sa kanyang mga kaanak at dinala sa Sipalay City Health Office ang biktima pero idineklara na rin itong patay ng umatending doctor.

Labis naman ang pagsisisi ng mag-asawa sa nangyari sa kanilang anak dahil hindi nila ito nagawang tutukan para bantayan. Mary Anne Sapico