PANAHON NANG MAGKAROON NG PANLABAN SA OIL SPILL

March 30, 2023 @8:25 AM
Views: 48
DALAWA nang malalaking kaso ng oil spill ang naganap sa Pilipinas.
Una ang nangyari sa Guimaras nang lumubog ang MT Solar 1 dahil sa bagyo noong Agosto 11, 2006.
Pangalawa ang basta na lang paglubog ng MT Princess Empress nitong Pebrero 28, 2023 nang walang malinaw na dahilan.
‘Yung MT Solar 1, may kargang nasa 2 milyong litrong bunker oil habang itong MT Princess Empress, may 800 litrong industrial oil.
Nang matagpuan ang MT Solar 1, 9,000 litro na lang ang natirang sa karga nito habang tinatayang kalahati na ng 800,000 litro ang tumagas naman mula sa MT Princess Empress.
MGA KASIRAAN IBINUNGA
Pareho ang dalawa na lumikha ng kasiraan sa karagatan at kapaligiran.
Sa MT Solar 1, naapektuhan hindi lang ang Guimaras kundi ang Iloilo at mga lalawigan sa Negros Island.
Umabot sa nasa 17,500 katao, kasama ang isang namatay at dalawang missing na crew rito, ang nasiraan ng hanapbuhay sa Guimaras oil spill.
Umabot ng nasa 10 taon ang paglilinis sa langis sa mga dalampasigan at gitna ng dagat, pagtatanim ng mga bagong bakawan at pagpupunla ng mga lamang dagat.
Panahon ito nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Guimaras Governor JC Rahman Nava
Tumatagas naman ang langis mula sa MT Princess Empress patungo sa Oriental Mindoro, Antique, Batangas at Palawan.
Siyempre panahon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at ni Oriental Mindoro Bonz Dolor ang oil spill sa MT Princess Empress.
Mahigit 170,000 katao ang apektado na mga taga-dalampasigan ng apat na lalawigang nabanggit, kasama na ang libong obrero sa mga tourist spots ng apat na lalawigan.
Maaaring masira rin ang Verde Island na roon matatagpuan ang mga yamang dagat na pagkain at panturista at maaaring lalala pa ang sitwasyon habang tumatagal.
MGA TUMULONG
Mula noon hanggang ngayon, mga Bro, malinaw na wala tayong anomang gamit laban sa mga oil spill.
Sa Guimaras, galing pa sa Britanya at United States ang tumulong sa atin laban sa tagas ng langis.
Ngayon naman, nagmumula sa Japan, South Korea at Britain at US pa rin ang tumutulong sa atin para lumaban sa kasalukuyang oil spill.
Siyempre pa, naririyan ang mga taga-barangay, munisipyo at lalawigan na tumutulong.
Pero mahagang usapin dito ng pagkakaroon ng tamang gamit na barko o anomang behikulong pandagat, kasama na ang mga panlupa, tehonolohiya at may alam na mga tao kung ano-ano ang gagawin.
Mukhang wala tayo lahat ng ito.
PANAHON NANG MAY PANLABAN
Hindi lang ngayon magaganap ang oil spill sa ating mga karagatan at dalampasigan sa dinami-rami ng mga barkong bumabiyahe sa labas loob ng mahigit 7,000 isla ng bansa.
Kaya naman, dapat nang magkaroon tayong mga may alam na tao, kagamitan, teknolohiya at tamang pagtatapunan ng mga sirang langis.
Pede bang paglaanan ito ng Palasyo at mga mambabatas sa bisa ng isang batas na may sapat na pondo para sa implementasyon nito sa pinakamadaling panahon?
ICC TINOKHANG NA SA PINAS

March 30, 2023 @8:21 AM
Views: 51
PATAY na ang International Criminal Court o ICC sa Pinas.
Tinokhang ng mga Pinuno ng ating bansa.
Inilagay na ang bangkay ng ICC sa kabaong at pinagpapakuan na ang takip nito mismo ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Pwede namang ituring na pag-make up sa mukha ng patay nang ICC ang sinabi ni Solicitor General Meynardo Guevara na madiplomatikong pakikiharap lang ang ginagawa ng Pinas sa ICC sa kahilingan nitong ipagpaliban ang imbestigasyon sa mga akusasyon laban kay dating Pangulong-Mayor Digong Duterte lalo’t umuusad naman ang mga kaso ukol dito.
Sa parte naman ni Justice Secretary Boying Remulla, katumbas ng paglilibing nito ang sinabing hindi pupwedeng pumunta rito ang sinomang taga-ICC at gawin ang gusto nila.
At sa parte ni Presidential Legal Adviser Manong Johnny Ponce Enrile, pwedeng arestuhin ang sinomang taga-ICC na magpipilit na magsagawa ng imbestigsyon at sa kalaunan, gumawa nang paglilitis laban kay Pang. Digong at sinomang gusto nilang perwisyuhin.
Pinangunahan mismo ni PBBM ang pagsasabing pinuputol na ng pamahalaang Pilipinas ang lahat ng ugnayan at komunikasyon nito sa ICC.
Ito’y makaraang balewalain ng ICC ang kahilingan ng bansa na ipagpaliban ang anomang imbestigasyon kaugnay sa bintang na extrajudicial killings noong administrasyon ni Pang. Digong.
At kaisa ng Pangulo ang nabanggit na mga opisyal sa pagsasabing wala nang kapangyarihan ang ICC sa Pilipinas dahil wala nang ugnayan ito sa ICC.
Isa pa, nanindigan ang Pangulo na gumagana lahat ng sistemang pangkatarungan sa bansa mula sa pulisya hanggang sa mga korte kaugnay ng mga bintang kay Digong at mga opisyal nito noon.
Labis na ring pakikialam sa panloob na usapin ng bansa at panghahamak sa soberenya o kapangyarihang mamahala sa sariling bayan ang nais ng ICC na wala talagang puwang dahil hindi na tayo kolonya ng mga dayuhan.
SINO ANG PINAKAMAHIRAP?

March 30, 2023 @8:19 AM
Views: 43
ANG malawakang oil spill ang lalong dumiin sa kahirapan ng mga mangingisda sa Mindoro gayung sabi pa naman kamakailan ng Philippine Statistics Authority na ang mangingisda raw ang may highest poverty incidence na 30.6 percent, sinundan sila ng mga magsasaka (30%), mga kabataan 26.4% at indibidwal na naninirahan sa kanayunan 25.7%.
Sa naturang ulat ng PSA, pinaaalam sa atin kung alin-alin ang mga sektor na pinakamahihirap.
Sila rin daw ang may pinakamataas na poverty incidence noon pang 2015. Eh tingin ko, simula pa lang nang simula, talagang ang mga sektor na ito ang ‘di lang pinakamahirap kundi pinakakawawa na.
Gayong ang sektor ng mangingisda ang dahilan bakit mayroon tayong naihahain sa ating mga hapag-kainan na pinagsasalu-saluhan n gating pamilya. Paanong nangyari?
Siguro magandang himayin muna natin. Una, bukod sa nangyaring oil spill, may mga Chinese na nagbabantay na sa ating mga karagatan. Inaangkin nila ang ibang parte ng ating mga tubig-dagat at ‘di tayo pinapayagang makapanghuli ng mga isda.
Pangalawa, kung makapangisda man ang ating mga mangingisda, bago pa lang pumalaot, kinokontrata na sila ng mga ‘mamamakyaw’ sa mahuhuli nilang mga isda sa napakababang halaga.
At itong mapagsamantalang ‘middle man’ ang nagpapataas ng presyo hanggang dumating sa palengke at mga suki nating tindera ang mga isda.
Kadalasan, kaya bumibigay ang ating mga mangingisda sa mga ito ay dahil nakapangutang ang una sa huli. Nababaon sila sa utang hanggang sa palugi nang ibebenta sa middle men ang kanilang mga huli.
Ganito rin ang nangyayari sa ating mga magsasaka at mga nag-aalaga ng mga hayop kaya hanggang ngayon ay hirap na hirap sila.
Mabuti na lamang ay nai-‘revive’ ni Pangulong Bongbong Marcos ang “Kadiwa” kung saan nasa tamang presyo ang pagbili sa ating mga mangingisda at magsasaka ng kanilang mga ani.
oOo oOo oOo
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!
SI GEN. JONNEL ESTOMO NA NGA KAYA?

March 30, 2023 @8:14 AM
Views: 54
NAGING kalakaran na sa gobyernong Pinas na kung sino ang malakas at “bata” ng mga ‘power-that-be’ na opisyal ng Philippine National Police ay siyang natatalagang hepe ng Pambansang Pulisya.
At ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng tour of duty ni P/Gen Rodolfo Azurin Jr. na matatapos sa Abril 24, mainit na namang pinag-uusapan kung sino ang masuwerteng maia-appoint na susunod na PNP chief.
Dahil Ilokano ang Presidente, ang ispekulasyon sa Camp Crame ay nakalalamang ang Ilocandia boy at ‘malapit sa kusina’ raw na si P/MGen. Benjie Acorda, hepe ng Directorate for Intelligence.
Si dating Criminal Investigation and Detection Group director P/MGen. Ronald Lee na tubong La Union at CIDG director PMGen. Romeo Caramat, na isang Pangasinan native, ay pawang ikinukonsidera rin sa posisyon na babakantehin ni Azurin.
Si P/LtGen. Rhodel Sermonia, deputy chief for Administration, na ilang beses naging contender sa PNP top post, ay tila nilipasan at burado na sa listahan ng mga aspirante subalit may ilang nagbulong na “gumagapang” pa rin umano ang “mamang pulis” kaya hindi dapat maitsa-puwera.
Ang workaholic police official na si P/LtGen. Jonnel Estomo, deputy chief for operations at number 3 man ng PNP ay pinaniniwalaang pinakamalakas na contender na papalit bilng PNP chief.
Ngunit nangangamba pa rin ang sambayanan na may nais kay Estomo dahil posibleng maligwak pa ang inaantabayanang posisyon dahil isa itong taal na taga-Visayas.
Mahal ng mga taga-Metro Manila at Bicol Region ang dating director ng mga nasabing lugar sapagkat nag-iwan ito nang magandang reputasyon matapos magampanan ang tungkulin “with flying colors” bagaman mahirap maging puno ng National Capital Region Police Office.
Ang NCR o Metro Manila na kapitolyo ng bansa at tinawag na seat of government ay sentro ng negosyo kaya ‘stepping stone’ ito sa mga opisyal ng PNP na makuha ang top post.
Maliban kay Department of Intetior and Local Government Sec. Benjamin “Benhur” Abalos, walang matigas na backer si Estomo kundi ang “madlang pipol” na kanyang napabilib sa kaaya-ayang estilo ng pamamahala na dapat makita sa isang tunay na lingkod bayan.
Si “Esto”, palayaw ng PNP number 3 man, na nga kaya ang susunod na PNP chief? Sana nga, pakinggan ng “Itaas” ang dalangin ng sambayanan.
ANG T.M. KALAW RUGBY KIDS

March 30, 2023 @8:12 AM
Views: 44