Batang Gilas, may spot na sa quarterfinals ng FIBA U-19

Batang Gilas, may spot na sa quarterfinals ng FIBA U-19

August 9, 2018 @ 4:48 PM 4 years ago


 

FIBA – Ilang dipa na lang sa finals ang Pilipinas nang matalo nila ang Bahrain 67-52 sa FIBA Under-18 Asia Championship sa Thailand.

Sure ball ang Batang Gilas sa quarterfinals dahil sa walang mintis na shoot ng twin towers na sina AJ Edu at Kai Sotto kaya sa unang quarter pa lang ay lamang na sa 20-11.

Pero tila nanlamig ang bataan ng Pinas sa 2nd quarter nang bahagyang dumikit at makahabol ang Bahrain.

Nahimasmasan naman sa half quarter ang Gilas at napaabante pa ang iskor hanggang sa mai-sure win na ang ikaapat na quarter.

Pinuno ni 6’10 ft. Edu ang stat sheet sa 16 points, 17 rebounds, three assists, two steals, at two blocks, na sinegunduhan naman ng mas matangkad na 7’1 ft. Sotto na may 19 points, nine rebounds, three assists, at  three blocks.

Matatandaang huling nakarating sa quarterfinals ng FIBA Under-19 World Cup ang Pilipinas noong 1979. (Remate News Team)