Batang lalaki dedo sa pagtawid

Batang lalaki dedo sa pagtawid

July 11, 2021 @ 1:45 PM 1 year ago


MALASIQUI PANGASINAN- Maagang binawian ng buhay ang isang 6-anyos na batang lalaki makaraan mahagip ito ng motorsiklo habang tumatawid sa gitna ng kalsada, kaninang umaga lalawigan ito.

Kinilala ang biktimang si Mark Daniel Atuel, grade 1 pupil, at residente sa Brgy. Asin East, Malasiqui, Pangasinan.

Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng Suzuki Raider 150 motorcycle na kinilalang si Jose Jobert Baclig, 28 anyos, registered Nurse at taga Dagupan City.

Batay sa report ng Malasiqui Police Station, naganap ang insidente kalsadang sakop ng Brgy. East sa nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon, binabaybay ng suspek ang naturang kalsada nang biglang atras-abante sa pagtawid ang biktima dahilan para mahagip ito ni Baclig.

Agad naman dinala sa Universal Health Hospital, sa bayan ng Malasiqui ang biktima subalit dineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Naka-hospital arrest naman s Pangasinan Provincial Hospital, San Carlos City ang suspek dahil sa mga tinamong sugat sa katawan at inihahanda na rin ang kasong kakaharapin nito./Mary Anne Sapico