Batang lalaki patay sa pinaglaruang baril

Batang lalaki patay sa pinaglaruang baril

September 27, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MAGUINDANAO- Maagang binawian ng buhay ang batang lalaki matapos aksidenteng maputukan ang sarili sa pinaglaruang baril nitong Sabado sa lalawigan ito.

Kinilala ang biktimang si Joshua Met Tenorio, 7-anyos, at residente ng Sitio Bagong, Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao .

Ayon kay Datu Saudi Ampatuan IP mandatory Representative Bello Jovel Tenorio, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Kwento ng saksi, nakita nilang naglalaro ng baril ang biktima sa pag-aakalang laruan lamang ito hanggang sa nakarinig na lamang sila ng malakas na putok.

Dito, nakita na lamang nila ang biktima na duguan at agad na dinala sa ospital subalit hindi na rin umabot pang buhay.

Iniimbestigahan na ng Datu Saudi Ampatuan Police Station ang insidente at inaalam na rin kung sino ang may-ari ng baril. Mary Anne Sapico