Batang pier, itinumba

Batang pier, itinumba

July 20, 2018 @ 3:38 PM 4 years ago


 

Tondo, Maynila – Patay ang isang kinikilalang “Batang Pier” matapos barilin ng hindi nakikilalang suspek sa may container garage ng Road 9 sa Tondo, Maynila.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Jhong-Jhong, nasa 35-40 gulang dahil sa tama ng bala sa ulo.

Sa report ni PO2 Aldeen Legaspi ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 8:30 ng gabi nang naganap ang insidente sa Road 9 Tondo, Maynila.

Nasa loob umano ng Mardean James Enterprises Container garage ang biktima nang pumasok ang hindi pa nakikilalang gunman at kaagad na binaril ang biktima.

Sa impormasyong nakuha ng pulisya, kilala umanong gumagamit ng iligal na droga ang biktima.

Patuloy naman inaalam ng  pulisya ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral para sa awtopsiya at safekeeping. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)