‘Batang QC’,14 pa timbog sa Bulacan buy-bust ops

‘Batang QC’,14 pa timbog sa Bulacan buy-bust ops

January 15, 2022 @ 1:46 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dumayong pinaghihinalaang tulak na nagbabagsak ng ililgal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ni Bulacan Police director PCOL Rommel Ochave ang suspek na si Rhoen Garcia,40,may asawa,tubong Quezon City at residente ng Brgy.Greater Lagro.

Sa report ni SJDM Acting chief of police PLt/Col Allan Palomo,ikinasa ang operasyon laban sa target dakong 9:45 pm nitong Biyernes sa isang waiting shed sa Pabahay 2000,Brgy.Muzon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon nakatanggap ng mga reklamo ang pulisya sa mga opisyal ng barangay tungkol sa iligal na aktibidad sa droga ng suspek sa lugar.

Dahil dito,agad nagsagawa ng surveillance ang pulisya at nang magpositibo ay agad nagsagawa ng buy-bust operation kaya nahuli ang suspek.

Nakuha sa kanya ang 10 small heat sealed transparent plastic sachets na hinihinalang shabu kabilang ang buy-bust item,red Honda Click motorcycle at P1,000 buy-bust money.

Samantala,arestado rin ang 14 na pinaghihinalaang tulak sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito sa kaparehong petsa.

Sa report,ikinasa ang operasyon ng mga Station Drug Enforcement Unit ng Baliwag,Hagonoy,Malolos,Pandi,Pulilan at San Miguel.

Narekober sa operasyon ang 23 sachet na pinaghihinalaang shabu at 25 sachet na pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana,magazine,dalawang bala ng cal 45,drug paraphernalias,weighing scales,lighter,gunting,coin purse at buy-bust money.(Dick Mirasol III)