Batang Remulla nanumpa na bilang bagong kinatawan ng Cavite

Batang Remulla nanumpa na bilang bagong kinatawan ng Cavite

March 1, 2023 @ 8:49 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanumpa na si Cavite  7th district Rep. Crispin Diego “Ping” Remulla bilang ika-314 miyembro ng House of Representatives sa ilalim ng 19th Congress.

Si House Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa oathtaking kahapon ni Remulla sa Kamara.

Ang batang Remulla ay anak ni Justice Secretary Crispin Remulla na siyang nanalo noong nakaraang eleksyon, subalit binakante nito ang pwesto sa Kongreso matapos italaga bilang cabinet member ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Upang punan ang nabakanteng pwesto ay nagsagawa ng special election sa Cavite kung saan nanalo ang batang Remulla.

Ayon kay Comelec spokesperson Rex Laudiangco, ang voter turnout para sa special polls sa Cavite ay nasa 42.11% o nasa 149,581 lamang ang bumoto mula sa 355,184 registered voters sa Cavite 7th District. Gail Mendoza