Batangas, Laguna, Quezon ‘moderate risk’ na sa COVID-19 —OCTA

Batangas, Laguna, Quezon ‘moderate risk’ na sa COVID-19 —OCTA

February 1, 2022 @ 11:06 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Moderate risk na lang ang Batangas, Laguna at Quezon sa COVID-19 dahil sa bumababang kaso roon, ayon sa OCTA Research, Martes.

Nauna nang naabot ng National Capital Region, Cavite at Rizal ang moderate risk classification, base sa anunsyo ng OCTA nitong Lunes.

“NCR, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon and Rizal at moderate risk as of Jan 31, with new cases trending downward,” ani OCTA fellow Dr. Guido David sa Twitter.

“The goal in the NCR is for positivity rate to decrease to less than 10% within two weeks,” dagdag pa ng eksperto.

Hanggang nitong Enero 31, ang positivity rate sa NCR ay 17% na lang.

Sa CALABARZON, Cavite ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate sa 31%, na sinundan ng Quezon sa 25%, at Laguna at 21%, habang ang Rizal, ang may pinakamababa sa 8%.

Para naman sa reproduction rate, may 0.45 ang NCR, habang pinakamataas ang Quezon sa Calabarzon sa 0.90 at pinakamababa ang Rizal sa 0.46.

Dagdag pa ng OCTA na naitala sa NCR ang -62% growth rate sa Enero 31. Batangas sa -48%, Cavite sa -66%, Laguna sa -62%, Quezon sa -37% at Rizal sa 65%. RNT