Batas-kompensasyon sa mga taga-Marawi, ikinatuwa ng Mindanaoan solons

Batas-kompensasyon sa mga taga-Marawi, ikinatuwa ng Mindanaoan solons

April 28, 2022 @ 12:23 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Ilang araw bago ang pagtatapos ng Ramadan ay isang magandang balita ang ipinagkaloob ng administrasyong Duterte para sa mamamayan ng Marawi.

Ikinatuwa ng Anak Mindanao (AMIN) Partylist ang ginawang paglagda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa panukalang magbibigay ng kompensasyon sa lahat ng naging biktima at nawalan ng tahanan sa panahon ng Marawi Siege.

“Republic Act No. 11696 An Act Providing Compensation for the Loss or Destruction of Properties and Loss of Lives as a Result of the 2017 Marawi Siege and Appropriating Funds Therefor otherwise known as the ‘Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022’ was approved and signed in April 13, 2022,” sinabi ni AMIN Partylist Rep. Amihilda Sangcopan.

Binigyang diin ng mambabatas na ito na ang sagot sa matagal ng minimithi ng mamamayan ng Marawi na muling maitayo ang kanilang mga tahanan at maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay.

Ang bagong batas ay magbibigay ng kompensasyon sa lahat ng nawalan ng mahal sa buhay noong panahon ng pagkubkob sa Marawi gayundin sa mga nawalan ng tahanan nang magpatupad ng Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program.

“We are thankful to the President for approving this piece of legislation that will greatly help the Maranaos pick themselves up and rebuild their lives from the rubbles of war. We cannot emphasize enough how harsh life has been for the victims of the 2017 siege. But with RA 11696 now in place, we can now sleep better knowing that the lives of our fellow Ranao will now be put into order,” banggit pa ni Sangcopan.

Ang AMIN Partylist ay isa sa naging pangunahing otor ng House Bill No. 9925 na inihain noong 2021 ngunit naaprubahan lamang ng Senado nitong February 2022 bago naiakyat sa Malacañang.

Pangunahing may-akda rin sa HB 9925 ay si House Deputy Speaker Mujiv Hataman na nagsabing “labis nating ikinagagalak na marinig ang napakagandang balita na ang Marawi Compensation Law ay napirmahan na ni Pangulong Duterte at isa ng ganap na batas.”

Ani Hataman, hindi man maibalik kung anuman ang nawala ay malaking tulong pa rin sa buhay ng mga taga-Marawi ang pagsasabatas ng nabanggit na panukala.

“Ang susunod na ipaglalaban natin ay ng mapondohan agad itong batas na ito parea dagliang maipatupad ang pagbibigay tulong sa ating mga kababayan,” giit pa ni Hataman.

Kahapon ay pormal na inihayag ni Acting Presidential Spokesperson Mrtin Andanar ang paglagda ni Pangulong Duterte sa Republic Act No. 11696 o Marawi Siege Compensation Act of 2022.

Ito ay pagbibigay ng kompensasyon sa lahat ng biktima ng Marawi seige gayundin sa mga nawalan ng mahal sa buhay at nawalan ng tahanan. Meliza Maluntag