Batas para i-ban ang diskriminasyon sa LGBTQ, ipinasa sa Tokyo

Batas para i-ban ang diskriminasyon sa LGBTQ, ipinasa sa Tokyo

October 9, 2018 @ 7:24 AM 4 years ago


 

Japan – Ipinasa na ng Tokyo ang batas upang i-ban ang diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBTQ community bago pa man ang pagho-host ng 2020 Summer Olympics.

Makatutulong ang batas upang maabot ng siyudad ang standard ng Olympic Charter kung saan magbibigay din sila ng public education campaign tungkol sa mga karapatan ng LGBTQ.

Ayon sa batas, “the Tokyo Metropolitan Government, citizens, and enterprises may not unduly discriminate on the basis of gender identity or sexual orientation” gayundin ang pangako ng gobyerno “to conduct measures needed to make sure human rights values are rooted in all corners of the city and diversity is respected in the city.”

Matatandaan na noong 2014, bilang tugon sa pagpapasa ng Russia ng anti-gay propaganda law sandaling panahon lamang bago ang kanilang pagho-host ng Sochi Winter Games, parte ng “Olympic Agenda 2020,” siniguro ng International Olympic Committee (IOC) na ang mga susunod na magho-host na siyudad ay ipagbabawal na rin ang diskriminasyon base sa sexual orientation.

“The Tokyo metropolitan government has enshrined in law its commitment to hosting an inclusive and rights-respecting Olympic games,” ayon kay Kanae Doi, Japan director at Human Rights Watch, sa naganap na open consultation para sa isasagawang hakbang sa pagtupad sa Olympic Charter’s human rights values.

“The authorities now need to put the policy into action and end anti-LGBT discrimination in schools, workplaces, and the wider society.”/Remate News Team