Batas para sa anti-tambay campaign, hindi na kailangan- Pangulong Duterte

Batas para sa anti-tambay campaign, hindi na kailangan- Pangulong Duterte

July 8, 2018 @ 3:49 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi na kailangan ng batas para sa paglilinis ng tambay sa lansangan.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte tila kamangmangan ang pagtuligsa ng human rights group at Integrated Bar of the Philippines sa kanyang anti-tambay campaign.

Nakaka-awa aniya ang mga ito sa pagbatikos at pagkuwestiyon sa warrantless arrest laban sa mga tambay at paghahayag ng pagka-awa sa mga kriminal.

“And so you pity what? The idiot there on the streets? Ito naman kasing mga human rights, pati ‘yung IBP na sira ulo . Look guys, if you are the president of IBP, there is no need for a law for me to order the clearing of the streets,” ayon kay Pangulong Duterte.

Wala namang binanggit na pangalan kung sino ang kanyang pinatatamaan na mangmang sa batas subalit kamakailan ay nagpahayag ng kanyang saloobin si Atty. Abdiel Dan Fajardo, IBP national president ng kanyang pagtutol sa kampanya ng gobyerno laban sa mga tambay.

“If I say, ‘arrest and take into custody the young people,’ that is well within my parents patriae — the father of the nation — to protect them from crime,” lahad nito.

Sinabi pa niya na maraming mga kabataan ang ginagamit ng kanilang magulang o iba pang matatanda bilang drug couriers kaya’t marapat lamang na madala ang mga ito sa barangay at social welfare stations.

Wala aniyang masama sa ganitong patakaran.

At ang hamon ng Pangulo, ” You can bring me to the Supreme Court and we will see each other there”.

Tungkulin aniya ng pamahalaan na protektahan ang sambayanang filipino at ang bansa. (Kris Jose)