BATAS PARA SA HOMEOWNERS

BATAS PARA SA HOMEOWNERS

January 20, 2022 @ 5:57 PM 9 months ago


SA paglahok ng Home Owners Party-list sa May 2022 elections na pinangungunahan ng First Nominee at dating assistant secretary ng Department of Human Settlements and Urban Development na si Leira ‘Ate Lei’ Buan, tiyak magkakaroon na ng organi­sadong samahan sa hanay na ito.

Dahil sa kawalan ng sistema, minsa’y nauuwi pa sa madugong awayan ang mga miyembro at namumuno ng iba’t ibang homeowners’ associations (HOAs) lalo kung usapi’y pondong pinansyal at isa ito sa reresolbahin ng party-list na ito, ang pagsasabatas ng tama at unipormadong pangangasiwa at direksyon ng bawat homeowners’ groups sa buong bansa.

Ani Ate Lei, magiging sabay-sabay ang eleksyon sa mga ma­nunungkulan o bagong magiging mga opisyales ng HOA, ang kasunod na buwan ay eleksyon naman ng Regional HOA Confederation at ang kasunod na buwan nama’y halalan para sa HOA national. Mahalaga ring makalikha ng batas para sa unipormadong kolek­syon ng monthly dues at depende sa kategorya, may rich class, middle class at mahihirap.

Bukod tanging party-list para sa sektor na ito, malaking bagay na maging matagumpay si Ate Lei at ang Home Owner Party-list sa paglahok sa darating na halalan dahil direkta nang mapagtutuunan ang kapakanan lalo ng mga mahihirap na homeowners gayundin ang pagkakaroon ng disenteng tirahan, pangkabuhayan at proteksyon para sa marami pang homeless nating mga kababa­yan.

Tiangco Brothers, todo-suporta sa Navotas Fish Port Complex modernization

Malaki ang pasasalamat ni Navotas Rep. John Reynald Tiangco kina Pangulong Duterte at Sen. Bong Go sa kanilang su­porta sa kanyang House Bill 875 na naging daan ng modernisas­yon at restorasyon ng halos li­mang dekada nang Navotas Fish Port Complex (NFPC), ang premier fish center ng bansa at pinakamalaki sa Southeast Asia.

Todo-suporta rin si Mayor Toby Tiangco sa isinasagawang rehabilistasyon ng NFPC na ma­tatapos sa loob ng limang taon dahil batid nito ang magiging malaking kontribusyon ng NFPC sa lalong paglago ng ekonomiya at pagtaas ng antas ng buhay ng mga taga-lungsod.

Libreng gamot sa Navotas

Dala ng ‘shortage’ sa mga botika, mabilis ang naging ak­syon ng Tiangco brothers nang sila’y umorder mismo sa mga supplier upang maipamahagi, house-to-house, sa mga taga-lungsod ang mga gamot na paracetamol, phe­nlypreanolamine na para sa colds and flu at Vitamin C at bilang panlaban na rin Omicron variant ng COVID-19.